spacer.png, 0 kB
Advertisement
Advertisement

End ENDO @ FB

Advertisement
Advertisement
Advertisement

Labor Day Calls

placard-3b.jpg

Our Struggles

kapitbisigmggwa2.jpg

Support PM!

pmsmiley4.jpg

Issue Highlights

Advertisement
spacer.png, 0 kB
$arguments = $this->fixCalls($arguments);
Workers' Digest
Article Index
Workers' Digest
Spl Issue - Oct 2010
Issue#35 - Sep 2010
Spl Issue - Sep 2010
Spl Issue - Jun 2010
Spl Issue - May 2010
Issue#34 - May 2010
Issue#33 - Apr 2010
Spl Issue - Mar 2010
Issue#32 - Mar 2010
Spl Issue - Feb 2010
Issue#31 - Feb 2010
Issue#30 - Jan 2010
Spl Issue - Dec 2009
Issue#29 - Oct 2009
Spl Issue - Sep 2009
Issue#28 - Aug 2009
Issue#27 - Aug 2009
Spl Issue - Jun 2009
Issue#26 - May 2009
Issue#25 - May 2009
Issue#24 - Apr 2009
Spl Issue - Mar 2009
Issue#23 - Mar 2009
Issue#22 - Mar 2009
Issue#21 - Feb 2009
Issue#20 - Feb 2009
Issue#19 - Dec 2008
Issue#18 - Dec 2008
Issue#17 - Nov 2008
Issue#16 - Oct 2008
Issue#15 - Oct 2008
Issue#14 - Sep 2008
Issue#13 - Aug 2008
Issue#12 - Jul 2008
Issue#11 - Apr 2008
Issue#10 - Feb 2008
Issue#9 - Jan 2008
Issue#8 - Jan 2008
Issue#7 - Dec 2007
Issue#6 - Nov 2007
Issue#5 - Oct 2007
Issue#4 - Oct 2007
Issue#3 - Oct 2007
Issue#2 - Sep 2007

Workers' Digest
Issue # 33
25 April 2010

Sa Mayo 1:
Ipaglaban ang Trabahong Regular at Dagdag Sahod!
Ibandila ang Partido ng Manggagawa sa Party-List!

Ang maiinit na mga isyu ng manggagawa ang nagtatakda ng katangian at kahilingan sa darating na selebrasyon ng Mayo Uno. At ang konteksto ng pambansang halalan ay di maiiwasang magbigay ng kulay sa pagdiriwang ngayong taon ng Araw ng Manggagawa.

Sa katapusan ng Mayo ay nakatakdang tanggalin ng PAL ang tinatayang 3,000 empleyado, halos kalahati ng 7,000 manggagawa ng kompanya. Ililipat ang trabahong inflight catering, cargo handling at ticketing reservations sa ibang kompanya na pag-aari din ni Lucio Tan. Nauna na itong ginawa sa engineering at maintenance ng PAL na in-outsource ang trabaho sa Lufthansa Technik at MacroAsia, dalawang kompanyang kasosyo si Lucio Tan. Ang spinoff ng trabaho sa PAL na mauuwi sa malawakang tanggalan ay walang iba kundi ang epidemya ng kontraktwalisasyon.

Nagsimula na ang protesta ng PALEA, sa pangunguna ng bagong halal na liderato, kontra sa planong tanggalan. Ang pakikibaka ng mga empleyado ng PAL laban sa kontraktwalisasyon ay laban ng uring manggagawang Pilipino. Ito ay isang pambansang usapin na dapat magkahugis bilang isang laban ng uri. Sa susunod na mga araw ay inaasahang aagaw ng atensyon ng bansa ang malawakang tanggalan sa PAL dahil sa istratehikong papel nito sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Nang huling welga ng PAL noong 1998 ay tinatayang nagresulta ito sa ilang porsyentong pagbagsak ng GDP o kabuuang produksyon ng bansa.

Kontraktwalisasyon din ang sanhi ng napipintong pagtatanggal ng 450 manggagawa, halos kalahati rin ng lagpas 900 workforce, sa isang electronics factory sa export zone sa Rosario, Cavite. Para labanan ang napipintong tanggalan sa Dyna Image Corp. Phils. ay nagtayo ng unyon ang mga manggagawa at nagsampa ng kaso ng illegal dismissal at harassment. Hindi naniniwala ang mga manggagawa na nalulugi ang kompanya sapagkat malakas ang produksyon at pinapag-overtime ang mga tao. Malamang ay papalitan lang ang tatanggaling manggagawang regular ng mga kontraktwal mula sa manpower agencies.

(Read or download complete article)


 
spacer.png, 0 kB
spacer.png, 0 kB
   
Joomla Templates by Joomlashack
Joomla Templates by Joomlashack