spacer.png, 0 kB
Advertisement
Advertisement

End ENDO @ FB

Advertisement
Advertisement
Advertisement

Labor Day Calls

placard-1b.jpg

Our Struggles

mural2.jpg

Support PM!

pmsmiley3.jpg

Issue Highlights

Advertisement
spacer.png, 0 kB
$arguments = $this->fixCalls($arguments);
Workers' Digest
Article Index
Workers' Digest
Spl Issue - Oct 2010
Issue#35 - Sep 2010
Spl Issue - Sep 2010
Spl Issue - Jun 2010
Spl Issue - May 2010
Issue#34 - May 2010
Issue#33 - Apr 2010
Spl Issue - Mar 2010
Issue#32 - Mar 2010
Spl Issue - Feb 2010
Issue#31 - Feb 2010
Issue#30 - Jan 2010
Spl Issue - Dec 2009
Issue#29 - Oct 2009
Spl Issue - Sep 2009
Issue#28 - Aug 2009
Issue#27 - Aug 2009
Spl Issue - Jun 2009
Issue#26 - May 2009
Issue#25 - May 2009
Issue#24 - Apr 2009
Spl Issue - Mar 2009
Issue#23 - Mar 2009
Issue#22 - Mar 2009
Issue#21 - Feb 2009
Issue#20 - Feb 2009
Issue#19 - Dec 2008
Issue#18 - Dec 2008
Issue#17 - Nov 2008
Issue#16 - Oct 2008
Issue#15 - Oct 2008
Issue#14 - Sep 2008
Issue#13 - Aug 2008
Issue#12 - Jul 2008
Issue#11 - Apr 2008
Issue#10 - Feb 2008
Issue#9 - Jan 2008
Issue#8 - Jan 2008
Issue#7 - Dec 2007
Issue#6 - Nov 2007
Issue#5 - Oct 2007
Issue#4 - Oct 2007
Issue#3 - Oct 2007
Issue#2 - Sep 2007

Workers’ Digest
Issue # 24
April 2009

Proteksyon at Pagbabago!
Sigaw ng Manggagawa sa Mayo Uno

SA HARAP ng lumalalang global na krisis ng kapitalismo, sigaw ng manggagawa ay pagbabago. Sa gitna ng malawakang tanggalan sa trabaho at pagsagasa sa karapatan at benipisyo, hiling ng manggagawa ay proteksyon mula sa estado, at pagbabago mismo sa gubyerno. Ang panawagan at mga kahilingang gaya nito ang tiyak na aalingawngaw sa buong mundo sa darating na Mayo Uno.

Image 

Ang selebrasyon ng Araw ng Manggagawa sa Mayo Uno ay magaganap sa panahong walang kasing-tindi ang atake ng krisis ng kapitalismo sa uring manggagawa sa buong mundo. Sa Amerika kung saan nagmula at pinakamalala ang krisis, mahigit 3,600,000 manggagawa na ang nawalan ng trabaho sa nakalipas na taon. Higit pa itong lumalala dahil di bumababa sa 600,000 ang tanggalan doon kada buwan. Laganap na rin ang tanggalan sa Europa, sa Japan at maging sa Singapore na nagdeklara na ring sila’y nasa resesyon.

Dito sa Pilipinas, abot na sa mahigit 120,000 manggagawa ang apektado ng krisis na ito, kabilang na ang mga natanggal sa trabaho, pinauwing mga OFW, iniklian ang oras ng trabaho, binawasan ang sweldo, at kung anu-ano pang pleksibilisasyon na ginagawa ng mga kapitalista. Pinakamalawak ang tanggalan sa mga EPZA, partikular sa Calabarzon at Cebu.

Ito ay dahil nakaasa din lang sa merkado ng US, Europa at Japan ang ating eksport gaya ng electronics at garments. Sunod na apektado ay mga manggagawa sa mga nagsasarahang kompanya na dati nang namimiligro dahil sa epekto ng walang habas na kompetisyong ibinunga ng globalisasyon. Pinangangambahan ding mawalan ng trabaho ang mahigit 40,000 seaman at iba pang OFW dahil sa matumal na kalakalan at malalang krisis sa mga abanteng bayan.

(Read or download complete article)


 
spacer.png, 0 kB
spacer.png, 0 kB
   
Joomla Templates by Joomlashack
Joomla Templates by Joomlashack