spacer.png, 0 kB
Advertisement
Advertisement

End ENDO @ FB

Advertisement
Advertisement
Advertisement

Labor Day Calls

placard-2b.jpg

Our Struggles

kapitbisigmggwa2.jpg

Support PM!

pmsmiley3.jpg

Issue Highlights

Advertisement
spacer.png, 0 kB
$arguments = $this->fixCalls($arguments);
Workers' Digest
Article Index
Workers' Digest
Spl Issue - Oct 2010
Issue#35 - Sep 2010
Spl Issue - Sep 2010
Spl Issue - Jun 2010
Spl Issue - May 2010
Issue#34 - May 2010
Issue#33 - Apr 2010
Spl Issue - Mar 2010
Issue#32 - Mar 2010
Spl Issue - Feb 2010
Issue#31 - Feb 2010
Issue#30 - Jan 2010
Spl Issue - Dec 2009
Issue#29 - Oct 2009
Spl Issue - Sep 2009
Issue#28 - Aug 2009
Issue#27 - Aug 2009
Spl Issue - Jun 2009
Issue#26 - May 2009
Issue#25 - May 2009
Issue#24 - Apr 2009
Spl Issue - Mar 2009
Issue#23 - Mar 2009
Issue#22 - Mar 2009
Issue#21 - Feb 2009
Issue#20 - Feb 2009
Issue#19 - Dec 2008
Issue#18 - Dec 2008
Issue#17 - Nov 2008
Issue#16 - Oct 2008
Issue#15 - Oct 2008
Issue#14 - Sep 2008
Issue#13 - Aug 2008
Issue#12 - Jul 2008
Issue#11 - Apr 2008
Issue#10 - Feb 2008
Issue#9 - Jan 2008
Issue#8 - Jan 2008
Issue#7 - Dec 2007
Issue#6 - Nov 2007
Issue#5 - Oct 2007
Issue#4 - Oct 2007
Issue#3 - Oct 2007
Issue#2 - Sep 2007

Workers’ Digest
Issue # 31
28 February 2010

Sa gitna ng init ng eleksyon Nagpuputukan ang mga laban

Sa iba’t ibang parte ng bansa ay sumisiklab ang mga pakikibaka ng manggagawa at maralita. Ang daluyong ng mga pakikibaka ay magandang kontra-agos sa perya ng halalan. Ang mga labang ito ay dapat maging hamon sa mga pangako at kasinungalingan ng mga trapong kumakandidato sa eleksyon. Sa kabilang banda, sa batayan ng mga pakikibakang ito ay dapat makilala ang PM na tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng kapakanan ng masa.

Protesta sa pagsasara ng pabrika
Manggagawa sa Cebu, naka-campout sa export zone

Mula noong ika-15 ng Pebrero ay naka-campout sa labas ng main gate ng Mactan Economic Zone (MEZ) sa Lapu-Lapu City ang 100 manggagawa ng Alta Mode Inc., isang garments factory at exporter ng mga tatak gaya ng Abercrombie & Fitch. Ayaw na silang papasukin sa loob ng export zone dahil magsasara na sa Marso 15 ang kanilang pabrika. Minsan na silang sinubukang paalisin ng mga gwardiya pero nanindigan sila kaya’t nagkaroon ng kasunduan sa kanilang pagprotesta. Bukod sa mga manggagawa ng Cebu, nakikiisa sa kanilang laban sina Ashley Acedillo, kandidato ng mga rebeldeng Magdalo sa Cebu City at dating Air Force lieutenant, at si Ka Dodong Nemenzo ng Laban ng Masa at dating UP President.

Hiling ng Alta Mode Workers Union (AMWU) na makabalik ang mga manggagawa sa trabaho. Hinahamon nila ang management na patunayan na nalulugi ang kompanya. Pero may ebidensya ang unyon, sa pamamagitan ng mismong financial statement ng Alta Mode sa taong 2007 at 2008, na hindi ito nalulugi. Naniniwala ang AMWU na union busting ang tunay na dahilan ng pagsasara.

(Read or download complete article)

Protesta laban sa demolisyon
Daan-daang maralita nagrali sa Parañaque city hall

Halos 500 maralita ng Parañaque ang nagmartsa noong ika-22 ng Pebrero bilang protesta sa demolisyon sa isang komunidad sa syudad at pambubulabog sa naunang rali. Noong Pebrero 11 ay dinemolis ang komunidad ng Palasan habang noong Pebrero 18 ay pinagbabato ng mga bata ni Parañaque Mayor Bernabe ang 700-kataong rali sa city hall.

Hiling ng mga nagrali na makipagdayalogo si Mayor Bernabe hinggil sa mga demolisyon sa syudad. Hiling din ng mga maralita ang disenteng relokasyon para sa mga biktima ng demolisyon sa Palasan, at moratorium sa demolisyon at ebiksyon.

(Read or download complete article)

Protesta sa patung-patong na paglabag sa batas
Nag-wildcat strike mga manggagawa sa Global Steel

Isang wildcat strike ang inilunsad ng mga manggagawa sa Global Steel Philippines, Incorporated (GSPI), dating National Steel Corp., simula nang ika-15 ng Pebrero sa Iligan City sa Mindanao. Bunga ang welga ng patung-patong na paglabag ng kompanya gaya ng di pagbabayad ng sweldo, di pagbabayad ng 13th month pay, di pagre-remit ng SSS, Philhealth, and Pag-ibig deductions, di pagbabayad ng overtime premium, at di pagsunod sa safety at environmental standards.

(Read or download complete article)


 
spacer.png, 0 kB
spacer.png, 0 kB
   
Joomla Templates by Joomlashack
Joomla Templates by Joomlashack